Ayon sa isang balita mula sa GMA, ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naghain ng isang bill na House Bill No. 5091. Ang nakasaad dito ay ang paghahasa sa kakayanan ng isang mag-aaral na sumulat at magsalita ng wikang pang dayuhan. Nais ng bill na ito na gamitin ang wikang Ingles bilang midyum ng panuto sa araling Ingles, Matematika, at Agham simula sa ika-tatlong baitang sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Samantala, mananatiling wikang Filipino ang gamit sa mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Sinasabi na kung kaya’t wikang Ingles ang mas ginagamit na salita dahil ang wikang Ingles daw ay ito ang pangunahing gamit na wika kahit saan mang lugar ikaw ay magpunta.
Mula rin naman sa artikulong iyon, sinabi na ang bill mismo ang maaaring magdulot ng negatibong epekto para sa ating wika. Ang henerasyon ngayon ay hindi gaanong bihasa sa sarili nating wika, kaya na naman sana iwasan na mismo nating mga Pilipino na lamangan ng wikang Ingles ang ating wika upang ito ay magpatuloy pa para sa mga susunod na henerasyon. Makakatulong din ito dahil ang wikang atin ay patuloy na magiging laganap at mananatiling ginagamit ng mamayanan.
Ginagamit na midyum sa larangan ng pagtuturo ang Wikang Ingles sapagkat, nais ng ating bansa na makasabay sa proseso ng globalisayon Kung isasalin naman sa wikang Filipino ang asignaturang Agham, matematika at iba pang mga asignatura na ginagamitan ng wikang Ingles mahihirapan ang mga guro na ito ay gawin at ang paggamit ng wikang Ingles ay malaking impluwesiya para sa pagunlad ng ekonomiya ng ating bansa.
Ang wikang Ingles ay laganap sa buong mundo dahil ito ang ang wikang ginagamit sa halos lahat ng bansa kung kaya’t binansagan itong “Universal languange” at ito ang pangunahing wika na ginagamit sa larangan ng Komersiyo. Ang wikang Ingles ay mahalaga din namang matutunan ng ating mamamayan sapagka’t lalawak ang ating kaalaman patungkol sa mga kaganapan sa daigdig, ating mauunawaan at masasagot ang mga amerikanong dayuhan na bumibisita sa ating bansa sa gayon, magiging oppurtunidad ito upamg madagdagan ang kita ng ating bansa sa larangan ng turismo. Gayunpaman, sa kabila ng mga magagandang dulot ng Wikang Ingles sa ating bansa hindi pa rin dapat ito maging hadlang upang mabalewala ang ating sariling wika dahil mas madaling mauunawaan ng mga mag-aaral ang tinuturo ng guro kung ito ay ginagamitan ng wika na kanilang nakasanayan. Napatunayan na ito ng mga pag-aaral tulad ng ginawa ng Lupon ng Pambasang edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natutu ang mga estudyante sa iloilo nang ilonggo ang ginamit na wikang panturo. Sa huli, Nararapat na timbangin at araling mabuti ng Pamahalaan ang wikang panturo na gagamitin sa paaralan sapagka’t malaki ang magiging epekto at impluwensiya nito sa pagkatuto at pagunlad ng kaisipan ng bawat mag-aaral.
Mula sa isang saliksik o pag-aaral ng isang mag-aaral na si Rhiana Andres mula sa Polytechnic University of the Philippines, sinasabing may dalawang panukalang batas ang nakabinbin ngayon sa Kamara de Representantes na
naglalayong palakasin ang wikang Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo sa mga paaralan. Sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria
Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan ng mgamag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika. May hiwalay ding panukalang batas (House Bill 5397) na inihain ni Parañaque Rep. Eric Olivarez, para palakasin din ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo sa grade school, high school, college, at vocational education upang mapanatili at mapabuti pa ng mga Pinoy ang husay sa dayuhang wika na halos ginagamit sa buong mundo para sa pakikipagkalakalan at pagtratrabaho, lalo na sa mga malalaking industriya tulad ng Business Process Outsourcing. Ayon sa mga mag-aaral sa Senior High School ng PUP, nagbibigay daan ang wikang Ingles bilang panturo sa pagiging bihasa sa pagunawa at paggamit ng salitang ito na nagsisilbing daan tungo sa magandang pakikipagkapwa sa mga banyagang bansa. May mga mag-aaral ding na nagsasabing mabuti ang epekto nito sa kanila sa paraang mas tumataas ang lebel ng kanilang kumpiyansa sa sarili sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Ayon kay Renato Constantino, nagkukulang ang mga Pilipino ng tinatawag na“intellectual tradition” at ito
ang sanhi kung bakit ‘walang karanasang
intelektuwal sa kahulugan at layunin’ at kung bakit hindi napapansin ang mga “problemang panlipunan.” May limang dahilan ng pagkawala ng tradisyong ito:
1) dahil ang mga kontribusyon ng ating kababayan sa mundo ng kaisipan ay hindi
nabibigyang pansin at importansya sa ating kasalukuyang akademya,
2) ang pagtangkilik sa “mababaw na kaisipan” na mula sa mga salita ng may-akda ay ang “mga pelikula o palabas sa
telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit sa paglutas ng mga problemang personal,”
3) ang pagpapalaganap ngmiseducation ng mga tinatawag niyang “mental technicians” na bunga ng pagkabiktima sa “kolonyal na kamalayan,”
4) ang pangangalaga sa
status quo na nagpapalaganap ng
anti-intellectualism,na naglalayong pigilan ang pagusbong ng progresibong
pag-iisip na kayang magpabago at “magluwal ng bagong kamalayan”, at
5) “Ang pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyaga.” Mas naging kritikal ang akda sa panlimang dahilan at ito ang
nagsilbing koneksyon ng wika at intelektuwalismo.
Ang patuloy na paggamit ng wikang Ingles sa paaralan ay isa sa mga malaking debate na nagaganap sa korte, dahil karamihan ng kabtaan ngayon ay parang dayuhan sa sariling wika dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman tungkol sa sariling wika. Ngunit may mga tao na idinadahilan na dapat mapanatili at mapagbuti pa ng mga Pinoy ang husay sa dayuhang wika na halos ginagamit sa buong mundo para sa pakikipagkalakalan at pagtatrabaho, lalo na sa mga malalaking industriya na nakakatulong sa ating ekonomiya. Totoo na importante ang pagpapalaganap ng wikang Ingles para kung sakaling mangimbang bansa ang isang Filipino ay hindi ito magmumukhang mangmang sa labas ng bansa, makakayanan niyang patunayan ang kaniyang husay di lamang sa loob ng bansa ngunit pati na rin sa ibang tao. Gayunpaman, hidni parin dapat na isawalang bahala ang sariling wika, dahil ito ang nagpapakilala at tutulong na umunlad tayo sa sarili nating bansa dahil ito ang unang wika, at karamihan ng mga residenteng Pilipino ay hindi marunong magsalita ng Ingles kaya mas mainam na palawakin ang kaalaman di lamang sa banyagang wika, pero pati narin sa ating sarili.
Dahil sa patuloy na paggamit ng Ingles sa paaralan, hindi maitatanggi na nagkakaroon ito ng epekto sa mga mag-aaral nagkakaroon ito ng disadvantages sa wikang Filipino, isa na dun ang paglalagom ng malalalim na salita sa Filipino, kesa alamin o maunawaan ng mga estudyante ang isang salita hahanapan nalang nila ng katumbas na salita sa Ingles upang maipahayag ang kanilang nais na sabihin. Hindi lang diyan natatapos ang problema na kinakaharap ng mga estudyante dahil marami pa. Kaya dapat maipaunawa sa mga mag-aaral at opisyales sa isang paaralan kung gaano kaimportante na unahin ang pagpapalago ng sariling wika kesa sa iba pang wika.
- VERUNQUE, Princess Shamaica
Madami na sa atin ngayon lalo na sa mga eskwelahan na ang unang ginagamit na lengguwahe ay Ingles. Madami na din ang mga posibleng magiging epekto ng pag gamit ng wikang Ingles sa mga paaralan kung paano ito ginagamit upang panturo. Tulad na lamang ng mga mag aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, nag karoon ng Sanaysay tungkol sa Wikang ingles bilang wikang panturo sa asignaturang agham at matematiko isinasaad dito na may negatibo at positibong epekto ang pag gamit ng wikang ingles (Andres, 2017). Ang positibong epekto nito ay nagiging maatas ang kanilang kumpyansa sa sarili sa pag sasalita sa wikang ingles at para sakanila ay ang wikang ingles ang isang paraan upang magkaroon ng magandang komunikasyon sa pagitan ng mga banyaga at mga mag aaral. Habang ang negatibong epekto naman ng wikang ingles sa panturo ay hindi nauunawaan ng nga mag aaral ang lektyur dahil mas bihasa sila sa wikang Filipino at dapat na talagang gamiting midyum ang wikang Filipino dahil mas naipapayahag nila ang kanilang sarili sa wikang Filipino.
Bilang isang Pilipino, kailangan natin paigtingin ang pag tataguyod ng wikang Filipino lalong lalo na sa mga kabataan ngayon dahil marami na ang nakakakalimot ditto dahil mas ginugusto nilang pag aralan ang wikang ingles kaysa sa sariling wika. Madami na ang nakakakalimot at may hindi alam kung ano ba talaga ang pinanggalingan ng ating wika, marami na ang may hindi alam ang kasaysayan ng ating bansa lalong lalo na ang wikang Filipino, tulad na lamang ng sabi ni Contreras (2014) ay namumula na din ang di pag tangkilik ng ating wikang mula sa mga taong matataas ang posisyon, na ang mga taong ito ay mga pupumilit na pumili sa mga Pilipino mula sa wikang ingles o wikang Filipino ngunit ang kailangan nilang gawin ay maging mas matatas tayong magsalita ng wikang Filipino kaysa sa ingles dahil ito ay ating sariling wika.
SANGGUNIAN:
http://www.academia.edu/35238753/Epekto_nga_paggamit_ng_wikang_Ingles_bilang_wikang_panturo
http://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
Santos, Tomas U. (2008, February 3). Filipino at Ingles: Ano ang higit na mainam sa pagtuturo? Retrieved from https://varsitarian.net/news/20080203/filipino_at_ingles_ano_ang_higit_na_mainam_sa_pagtuturo
Mescallado, Anadessa. (2018) Implementasyon ng Paggamit ng Wikang Ingles sa lahat ng Asignatura maliban sa Filipino” Kabanata 1 and 2. Retrieved from https://www.academia.edu/23007697/_Implementasyon_ng_Paggamit_ng_Wikang_Ingles_sa_lahat_ng_Asignatura_maliban_sa_Filipino_Kabanata_1_and_2
JImenez, F. (2017, August 16). GMA News Online. Retrieved from http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/
ABS-CBN News. (2018, August 01). Mga millennial, gaano kalalim ang kaalaman sa wikang Filipino? Retrieved from https://news.abs-cbn.com/video/news/08/02/18/mga-millennial-gaano-kalalim-ang-kaalaman-sa-wikang-filipino
Andres, R. (2017). “Epekto ng Paggamit ng Wikang Ingles Bilang Wikang Panturo sa Asignaturang Agham at Matematika sa Senior High School.” (accessed November 7, 2018) Retrieved from http://www.academia.edu/35238753/Epekto_nga_paggamit_ng_wikang_Ingles_bilang_wikang_panturo; Internet.
Constantino, R. (1996). Intelektuwalismo at Wika. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, No. 1 8-12. Retrieved from http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939/4451; Internet.