
Iraya Study Center
Ang Iraya Study Center ay nag-iisang KALFI center sa sentro ng mga unibersidad na naghuhulma sa mga mag-aaral na kababaihan mula sa iba’t-ibang unibersidad, nang sila ay matulungan maging responsableng mga pinuno sa kanilang landas sa kani-kanilang mga paaralan.
Ang Iraya ay isang institusyon na para sa mga babae, at katumbas nito ang Saranggani na para sa kalalakihan. Ang institusyon na ito ay matatangpuan sa may Loyola st. Sampaloc, Manila.
Kalinangan Youth Foundation Inc. (KALFI)
Ang KALFI ay isang private non-stock, non-profit Foundation na naka-rehistro sa Securities and Exchange Commission noon Setyembre 14,1983 at sa Bureau of Internal Revenue bilang Donee Institution noong Oktubre 28, 1983.
Nang magampanan ang tungkulin na mahulma ang mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan, sa mga nasa unibersidad o kolehiyo, at ang mga nagsisimula palang magtrabaho, ang KALFI ay nagtayo ng mga study centers na kung saan ito ay magagamit sa pag-aaral at ito rin ay malapit sa lokasyon ng mga kabataan.